Bumili lang naman ng insenso.

Bibili lang talaga kami ng insenso ng araw na ‘yon eh. Inaayos kasi yung bahay sa Batangas tapos may ilang kamag-anak na nagsabing kailangan daw linisin pa rin ang bahay kahit pa kami naman ang dating nakatira rin doon. Malapit lang naman ang Binondo (at doon lang ang alam naming pwedeng bilhan ng insenso) kaya sugod kami. Isa pa’y birthday din ng kapatid kong si Iday kaya sabi ko doon na lang kami kumain.

Pero tanamets, di ako ready. Haha. Bukod sa masasarap na pagkain na mas matanda pa sa mga magulang ko, sobrang ganda ng Binondo pards!!! Nakapunta na ako dito dati, isang beses lang, kasama ang mga kaklase noong kolehiyo. Kaso sobrang saglit lang noon at saka, ewan, baka hindi pa ganun kalalim ang pagtingin ko sa mga bagay-bagay at sa paligid.

Dedma kesehodang any moment e baka may humablot ng bulok kong camera. Haha. At saka, ang dami rin namang nagpo-photo walk kaya di na rin nakakatakot makisabay.

At sa romantic ka-shit-an, pangarap ko pa rin mai-date dito. Hahaha.

Heto ang ilang larawang kuha ko.

Ewan ko kung nabigyan ng hustisya ng mga pictures ang pagka-cinematic ng lugar. Kahit mga pasilyo o hallway doon ay napakaganda. Parang eksena lahat sa pelikula.

Pero kailangan din magbaon ng kilo-kilong pasensya sa init, dami ng tao at lalo na sa haba ng pila sa mga resto na gusto mong kainan (Ex. Dong Bei Dumplings).

Nakabili naman kami ng insenso. Haha. Kasi lagot kami sa Inay pag nakalimutan namin yun. Pero higit pa sa insenso pala ang pwede naming maiuwi galing Binondo.

Pero napadaan lang siya at lilisan din.

Hoy ano na?!

Hindi na tayo nakakapagkwentuhan. Heto’t 2019 eh kalahati pa yata ng 2018 ang huling poste ko.

Sumaglit lang ako para… para gawin ko naman ang obligasyon kong pagbabalik sinapupunan sa pagsusulat at pagkukuwento.

Sobrang naipunan na ako ng kuwento pards. Hindi ko na alam paano sisimulan. Napakahirap nang pagsisimula, kahit noon pa, sa napakaraming bagay.

Heto at kakapost ko lang ng isang lumang breakup letter sa akin noong September 2009. Nakita ko sumwhere. Dapat popost ko sa IG story kaso shet, pinanghinaan ako ng loob. Baka mabasa niya eh. O baka hindi na rin niya maalalang sinulat niya iyon sa akin. Tinext pala. Pero nagkausap naman kami bago niya tinype iyon. Umiiyak kami parehas habang tinitimbang ang sitwasyon.

Ngayon naman ay malamang tatawanan na lang namin kung babalikan pa ang mga karupukan moments na iyon. Haha. Pero tiyak, may mangungurot. Banda doon, malapit sa dibdib.

Narito pa ang isang entry mula sa lumang journal, dated Feb. 28, 2011:

(Kasi) wala akong gamot para sa nararamdaman ko ngayon. Meron pala pero mas gusto ko ito at ang delay ng musika sa tenga ko at ang mala-panaginip na mga pagkatulala sa harap ng monitor. (Pwedeng suminghot pero bawal lumunok)

Hindi na malinaw sa akin kung anong pinagdaanan ko niyan. Haha.

Sa totoo lang, umiiwas na ako magpost ng mga kalandian ko rito sa WP eh. Hahaha. Nakakaumay na rin kasi. Saka andami kong issue ngayon sa trabaho. Iyon, gusto ko mag-rant tungkol doon.

Baka sipagin na ako.

Kwentuhan ko kayo bukas-makalawa.

Antayteld. Hasel.

Pabalik-balik ako sa mesa ko. Hindi ako mapakali.

Ebidens:

May trabaho akong kailangan tapusin pero di ako makapokus. Nag-iimpake na kapatid ko. Doon na siya magtuturo sa probinsya dahil naniniwala sya sa ideyang bloom where you are planted. Naishare ko na ito sa ibang post ko dati.

Kailangan ko lang din maalala na sa araw na ito, sa gabing ito, parang nawalan ako ng kakampi 😭 at ka-share sa renta at bills (kahit ako pa rin naman talaga ang nagbabayad sa lahat at groceries lang sine-share nya. Lols).

Hindi na ako tutulong sa pag-impake. Mukhang nangangalahati na rin naman siya. At kailangan ko na rin gahulin itong trabaho ko bago ako umalis ng bahay mamayang alas tres ng madaling araw para sa taping.

Mga inimpakeng alaala.

Baka naman. Sana.

Huuuy. Ang tagal ko nang hindi pumoposte rito. Nilamon na ako ng ka-busyhan. At kalungkutan na rin, sige na nga.

At dahil sinapupunan ko naman ito, may aaminin ako. mayroon akong kinukulit sa unibers nitong mga nakaraang araw. Naka-krospingger na nga kahit mga daliri ko sa paa. Bathala, ples. Haha. Pero ang totoo, gusto ko lang din talaga ilagay ito rito. Paalalang isang araw, syet, nilakasan ko loob ko. Hahahaha. Iyak-tawa na lang tayo (yes, sasabayan mo ‘ko) after a week pag sinoplak tayo nang mapaklang katotohanan. Lols. Pero di nga, masarap balikan ang mga ganitong bagay, ha.

Also. Nagamit ko na si “Jepoy” bilang muse. Muse pa rin ba tawag pag lalaki? Hayae na nga.

Para ito sa isang workshop. Balitaan kita pag naawa sila sa akin at tinanggap ako. Pag hindi, dasal lang ulet. Hahaha.

Laban!

Isampal natin ang ating naghuhumindig na etits sa mga balakid sa pagtupad ng pangarap. Anek!

Baby steps feat. Ian Penn habang sinusulat ito. Walang burahan, kung ano ang ibigay na mga salita, itatala.

Sa totoo lang, nakakatakot pa rin ang mga unang hakbang, sa isip niya. Bumabalik tayo sa mga musmos na panahong tila mahuhulog at madadapa tayo sa isang maling desisyon ng paglalakad. Walang malinaw na direksyon pero gusto nating humakbang. Gusto natin marating ang paanyaya ng mga kamay na maaaring sumalo sa atin sa kabilang bahagi kahit pa malaki ang tyansang magagalusan tayo. Atleast iyon, bahagyang may kasiguraduhan. Alam nating may nakaabang na saklolo kaya’t buong angas nating ihahakbang ang mga paa.

Pero paano ngayon. Walang pwedeng sumaklolo kundi sarili. At handa na nga ba ang sarili para iyapak ang mga paa sa walang kasiguraduhan (at marahil walang katapusan) na daan? Magagalusan, pero babangon ba para magpatuloy? Saan matatapos ang takot nang unang paglalakbay na sa katotohana’y parang prusisyon na ito ng mga pagbabaka-sakali at paghihintay na marating ang dulo? Mauubos pa ba ang mga tanong bago pa man maumpisahan ang paglalakad?

Ang mahalaga’y nagkaroon ng angas ihakbang ang mga paa at nagpapatuloy, sabi ng isang kaibigan. Gusto niyang paniwalaan ito. Nagawa na ito ng iba, bakit hindi siya. Gusto na ng mga paa niya. Nagkukusa na ang mga ito. Gusto na nilang maligaw. Malubak ang daan pero hahakbang.

Hakbang.

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Hakbang, mula rito.

Huuuy! Para namang dinudurog ang puso ko nung sinisisi ni Ermats ang sarili niya na hindi nakapasa sa CLE ang kapatid ko dahil daw minsan daw ay inuuna niya sa panalangin niya ang kanyang paggaling. 
Grabe yun, pards! 

Eme! 

Matagal na akong hinihiritan ng bunso kong kapatid ng isang eme-emeng photoshoot para sa kanyang kaarawan. Heto’t pinagbigyan namin. 
Hoooy. Best effort na iyan, ano. Hahaha. Bawal mandaot. Also, posting these photos here bcas, wala lang, kung matripan mo, message mo ko tapos kung bet mo gawa tayo. Libre. Sabihan mo lang ako ng “hoy nakita ko yung eme nyo sa blog mo, pwede na pagtiyagaan, kunan mo ako”.